WOW

Thursday, June 23, 2016

Assistant Provincial Veterinarian Dr. John Ashley De Castro Assistant and Mr. Dan Razo Director of SCBTG

LIVE PO Si Dr. John Ashley De Castro Assistant Provincial Veterinarian and Mr. Dan Razo Director of SCBTG For questions you may text 09074710762 or 09088165759 LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

Thursday, June 16, 2016

CAPITOL EXTENSION ITATAYO SA BAYAN NG IROSIN PARA SA SEGUNDO DISTRITO

Magkakaroon na ng extension ang capitol office sa ikalawang distrtito sa lalawigan ng Sorsogon. Sa impormasyon na nakalap ng wow patrolers ang nasabing kapitolyo ay sa bayan ng irosin itatayo para sa mga mamamayan ng Segundo destrito. Ang bagong uupong gobernador sa probinsya ng sorsogon na si Bobet lee rodrigueza at nagkaroon ng inisyatibo para maisakatuparan ito. Layunin nito ay upang hindi na mahirapan ang Segundo destrito na pumunta pa sa sorsogon provincial capitol na nasa syudad ng sorsogon upang ipaabot ang kanilang mga concerns sa gobernador, ayon pa kay governor rodrigueza mas madali nyang malalagyan ng mga proyektong kailangan ng Segundo distrito sa pamamagitan ng paglalagay ng kapitolyo sa irosin dahil malalaman nya mula sa mga residente nito ang mga kailangang proyekto o programa na ibibigay nya. Samantala, ang nasambit na kapitolyo ay magkakaroon din ito ng sariling staff at administrator.

CITY TOURISM OFFICE IDINIPENSA ANG PILI FESTIVAL 2016

Idinipensa ni City Tourism Officer Siony Alejo ang tungkol sa reklamong may mali umano sa pag organisa sa paparating na PILI festival. Ayon kay Ms. Alejo masusing pinag isipan ng kanilang tanggapan ang lahat ng aktibidad sa nalalapit na pili festival bago paman ito ipinalabas sa mga mamayan ng lungsod, aniya ang mga reklamo ay maaaring gawa lamang ng mga kritiko ng kalaban ng nakaupong alkalde na si Mayor Sally Lee. Matatandaan na halos lahat ng mga proyekto ni Mayor Lee ay hindi pinapalampas ng kanyang mga kritiko sa pulitika . Samantala, dinagdag pa ni Alejo na mas makabubuting suportahan na lamang at panuorin ang mga exciting event ng pili festival dahil sa marami nitong mga event na pinag handaan talaga ng local na pamahalaan ng Sorsogon. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

BAGONG AMBULANSYA SA BAYAN NG BULAN, DUMATING NA

Dumating na ang bagong ambulansya sa bayan ng bulan kung saan binili umano ito sa pamamagitan ng annual year budget of LGU bulan 2016. Ayon sa impormasyong nakalap ng wow patrollers nais umano ni Bulan Mayor Marnellie Ballesteros Robles na magkaroon naman siya ng ligasiya bago pa man siya bumaba sa kaniyang pwesto sa Hunyo a trenta. Layunin ng nasabing behikulo ay upang mas mapalawak ang serbisyo pagdating sa kalusugan lalo na sa oras ng emergency. Samantala isa pang proyekto ang nais iwanan ng nasabing alkalde at ng sangguniang members ay ang mga rubberized na Bangka sa tulong na rin ni MAO Marietta Geraldino Bayoca Department of Agriculture at BFAR. Samantala ang nasambit na rubberized banka ay isang livelihood program para sa mga register fisher folks in bulan under the resource management outreach program. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

SORSOGON EAST CENTRAL SCHOOL HINDI NAKAPAG FLAG RAISING CEREMONY

Hindi nakapag flag raising ceremoy ang sorsogon east central school sa unang araw ng pasukan. Sa pagbisita ng wow news team kahapon, rason nito ay ang on going construction sa gusaling ginagawa sa loob ng compound nito,na dapat sana noong unang linggo palang ng hunyo ay tapos na ito . Subalit bigo ang contructor na tapusin ito kaya naman muli itong humingi ng extension ng hanggng setyembre. Kaugnay nito nagbigay na ng kautusan ang principal na si Angel Recibido na sa kanya-kanyang class room nalamang muna gawin ang flag raising ceremony. Samantala haggang ngayon ay may mga magulang parin na humahabol sa pagpapa enroll ng kanilang mga anak. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

PAGBABAWAL SA PANINIGARILYO SA PAMPUBLIKONG LUGAR PATULOY NA TINUTUTUKAN NG CITY GOVERNMENT

Bahagi sa programa ni Mayor Sally Ante Lee na PRO life kung kaya mas pinahigpit sa ngayon ang pagbabawal ng paninigarilyo sa rompeolas sa lungsod ng Sorsogon. Matatandaan na may city ordinance ang lungsod na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar bilang pagsunod narin sa Clean Air Act (R.A. 8749). Kaugnay nito makasisigurong makakalanghap ng preskong hangin ang lahat ng bumibistita sa rompeolas lalo na palagi na itong dinudumog ng mga sorsoganon kung saan isa na ito sa nakasanayang pasyalan hindi lng ng mga mag sing irog kundi ng buong pamilya. Ayon sa pag aaral malaki ang nagiging epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng tao kung saan nasa 56% ng kalalakihan at 12% naman ng kababaihan ang naninigarilyo sa buong pilipinas. Ayon pa sa mga dalubhasa kapag nalanghap ng ibang tao ang usok mula sa user nito puwede itong magdulot ng sakit kung saan ito ang madalas na nararanasan ng mga Sorsoganon lalo na sa mga pampublikong lugar. Ang nakakalungkot pa dito ay mas madalas sa bahay pa ito nararansan. Dagdag pa ng mga eksperto ang paninigarilyo ay nakababawas ng 6 na taon sa buhay ng gumagamit nito. Sa mga taong nakalalanghap ng usok ng iba o ang passive smokers mababawasan din sila ng 2 taon sa kanilang buhay. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

CITY TOURISM PINAGPAPLANUHAN NA ANG PAGPAPAGANDA SA PAGURIRAN

Personal na binisita ng mga opisyal ng DENR, PENRO, CENRO, City Tourism, Provincial tourism, brgy. Council ng sawanga, kasama din ang city administrator na si atty. Laceda at Christine lee ang Paguriran Beach resort. Layunin ng kanilang pagbisita sa nasabing lugar ay upang mapag usapan ang pagpapaganda at pag sasaayos ng sistema at pisikal na anyo ng paguriran partikular na ang pagpapaganda at pagpapanatiling malinis ng paguriran beach. Matatandaan na ang paguriran ay isa sa mga tourist spot na dinarayo sa sorsogon city, kaya nman katulad ng ginawa ng city government sa brgy. Buhatan nais din ni City Mayor Sally A. Lee na mas makilala ang naturang lugar upang makatulong sa mga mamamayan ng Brgy. Sawanga. Samantala, ilan pang mga eco tourism area ang target ngayon ni Mayor Lee na mas lalong papagandahin lalo na muli siyang nabigyan ng karagdagang tatlong taon para manilbihan sa lungsod. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

SORSOGON 2ND DISTRICT REP. DING RAMOS NAGLIPAT BAKOD NA SA PDP LABAN NI DIGONG

Naging trending sa social media ang ginawang paglipat ni Sorsogon second district Congressman Diograscia Ding Ramos sa PDP laban ni Presidents elect Rodrigo Duterte. Matatandaan na aktibong myembro ng LP o Liberal party ang naturang Kongresista kung saan nito lamang nakaraang election tinalo nito ang mismong kandidato ng PDP laban na si Eduardo Jun Ong ng irosin Sorsogon. Sa kabilang dako bukod kay Ramos ilan pang myembro ng LP ang naglipat bakod sa PDP laban kagaya nina Jesus Sacdalan (1st District, North Cotabato), Renato Unico Jr (1st District, Camarines Norte), Glona Labadlabad (2nd District, Zamboanga del Norte), Lucy Torres Gomez (4th District, Leyte), Lucille Nava (Guimaras), and Queenie Gonzales (Mandaluyong). Si Gonzales ay ang asawa ni House Majority Floor Leader Neptali "Boyet" Gonzales II, na sa ngayon ay nasa pangatlong termino na. Samantala, bukod sa mga LP lawmakers, lipat bahay din sa PDP sina Leyte 3rd District Representative Vicente Veloso ng the National Unity Party, at Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo Teves Jr ng Nationalist People’s Coalition. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

SORSOGON CITY PUMALO NA SA 168,116 ANG PAPULASYON BASE SA 2015 SURVEY NG PSA

Pumalo na sa 168,116 ang papulasyon sa lungsod ng Sorsogon base sa 2015 population census na isinagawa noong nakaraang Agosto. Sa kanilang record ang mga lungsod ng Naga at legaspi ang may pinakamalaking papulasyon kung saan nasa 196,000 ang kabuuang bilang nito, lamang lang ang Legaspi sa Naga ng 636. Sa anim na lalawigan naman ang Camarines Sur ang pinakamarami na umabot na sa 1.9 million, sinundan ng Albay na may 1.3 million at ang Catanduanes naman ay ang pinakamaliit na nasa 260,964 lang ang bilang. Ayon sa PSA Phil Statistics Authority umakyat na ang papulasyon ng Bicol region sa 5.7 million, subalit ang tinatawag na population growth rate (PGR) ay bumaba ng 0.17 percent mula sa 1.46 noong 2000-2010 naging 1.29 percent ito nitong 2010-2015 census. Ayon kay Population Commission Region 5 Director Magdalena Abellera ang pagbaba ng PGR ay nagpapakita na ang gobyerno ay successful sa kampanya na family planning kung saan ang contraceptive prevalence rate ay 45 percent ng mga couples ay gumagamit ng modern family planning methods. Samantala, dinagdag pa ni Abellera na ngayong 2016 ay inaasahan nila na may 78,174 na mga couples ang makakatangap ng education on responsible parenthood lalo na sa paggamit ng modernong pagpa plano ng pamilya. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

Wednesday, June 8, 2016

GROUND BREAKING NG DOLE OFFICE NGAYONG ARAW NA

Ngayong araw isasagawa ang ground breaking rites ng 947 square meters na ibinigay ng pamahalaang panglungsod sa DOLE. Matapos ang ilang taong pangungupahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa lalawigan ng sorsogon ay magkakaroon na ito ng sariling gusali sa nasambit na lalawigan. Matatandaan na noong marso taong 2015 isinalin ang kasunduan o memorandum of agreement kung saan binigyan ng pamahalaang panglungsod ang DOLE ng 947 square meters na lote para sa dalawang palapag na gusali at paradahan ng mga sasakyan. Samantala kinompirma naman ni Raymond Escalante tagapagsalita ng DOLE ang pagdating ni undersecretary Nicon Fameronag upang saksihan ang nasambit na aktibidad. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

CAFGU NA NANUTOK SA BRGY TANOD SA IROSIN BUGBUG SARADO SA PUBLIKO

Bugbug sa taumbayan ang inabot ng isang aktibong cafgu na nakatalaga sa Mapaso detachment sa irosin Sorsogon. Sa impormasyong nakalap ng wow news team kinampihan kasi ng publiko ang brgy tanod na si Eduardo Diesta na tinutukan ng gatilyo ng lasing na cafgu na kinilalang si Albaro Pantua. Ayon kay PO3 Alamer na siyang imbistigador ng Irosin MPS hinggil sa naturang pangyayari, habang nagmamando ng trapiko si diesta sa kasagsagan ng Kapistahan sa Brgy. Monbon, Irosin, Sorsogon ng lapitan ito ng Cafgu na si Pantua at sinasabing lasing ito sa alak. Kaugnay nito nagpambuno si Pantua at Diesta na nagresulta sa pagkakahulog ng Gatilyo at tinamaan ng ligaw na bala ang isa ring myembro ng Cafgu. Samantala, kasalukuyan ng humihimas ng rehas na bakal ang suspetsado, at inihahanda na ang kasong isasampa laban dito dahiln sa nasa panahon pa ng election gun ban ang nangyaring krimen. Isinugod naman sa irosin district hospital ang cafgung tinamaan ng ligaw na bala. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

SORSOGON NUMBER 1 SA BICOL REGION NA NAKAPAG TRANSMIT NG BOTO SA SENADO, #8 NAMAN SA BUONG PILIPINAS

Number ONE sa buong Bicol Region, Number 8 sa buong pilipinas na kauna-unahang nagsumite ng election results ang Commission on Election Sorsogon sa katatapos lang na May 9, 2016 Election. Ito nalang ang naging katugunan ni Atty. Ma. Aurea C Bo- Bunao Provincial Election Supervisor ng Commelec Sorsogon ng tanungin siya ng wow news team kung ano ang grado sa kanilang naging trabaho noong nakaraang election. Ayon pa kay Bo- Bunao hahayaan nalang umano niya ang mga sorsoganon na magbigay ng grado sa kanilang naging accomplishment. Anya hindi naman award ang kanilang kailangan kundi ang makapagsilbi lang sa taumbayan. Matatandaan na bukod sa pagiging mabilis ng transmission isa rin ang lalawigan ng Sorsogon sa may pinakatahimik na naging halalan. Samantala, sa darating na June 16 ang takdang araw ng pagbalik ni Bo Bunao sa kanyang orihinal na asaynment sa catanduanes, naantala ito sa nauna ng kautusan na June 9 dahilan sa kailangan pa umano nilang ayusin muna ang record at mga papeles ng mga isinumiting SOCE o Statement Of Contribution of Expendeture. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

WALA NG EXTENSION SA FILING NG SOCE – ATTY BO - BUNAO

Walang extension ang filing ng Statement Of Contribution of Expendeture o SOCE ngayong araw, ito ang kinumpirma ni Atty. Ma. Austrea Bo- Bunao Provincial Election Supervisor ng Commelec Sorsogon. Ayon sa kanya bagamat pagka minsan ay may mga biglaang pagbabago pero haggang sa ngayon ay wala pa silang natatangap na memorandum hingil sa SOCE submission extention. Matatandaan na bahagi sa obligasyon ng mga kandidato ay ang magfile ng kanilang mga nagastos sa katatapos lang na election. Dagdag pa ni Bo- Bunao na ayaw naman niyang may ma sampolan dito sa sorsogon kagaya ng nangyari sa Gobernador noon ng Laguna na si ER Ejercito kung saan napatalsik ito sa pwesto dahilan sa nakita sa kanyang SOCE na over spending sya. Samantala, kahit natalo ang mga kandidato kailangan parin nilang magpasa nito. Pinagdadala naman ng blank cd or USB ang lahat ng mga mag pa file para paglagyan ng mga dokumento. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

ELECTED OFFICIAL NA HINDI MAKAPAG SUMITE NG SOCE STATEMENT OF CONTRIBUTION OF EXPENDETURE HINDI PAPAYAGAN NG DILG AT COMELEC NA MAUPO SA KANILANG PWESTO

Hindi makakapag assume sa pwesto ang sinumang elected official sa darating na July 1 ang hindi makakapag file ngayong araw ng kanilang Statement Of Contribution of Expendeture o SOCE sa opisina ng Commission on Election o Comelec yan mismo ang kumpirmasyon ni Atty. Ma. Aurea C. Bo- Bunao Provincial Election Supervisor ng Comelec Sorsogon. Dagdag pa ni Bo-Bunao ito kasi ang mandato ng batas sa kanilang opisina na huwag paupuin ang sinumang mga nanalo noong nakaraang mayo a nueve na mga matitigas ang ulo. Anya manipistasyon lang na hindi marunong sumunod sa batas ang makikitang hindi susunod sa kanilang obligasyon. Kaugnay nito mahigpit ang panawagan ni bobunao na kumplituhin ang mga requirements dahilan sa hindi nila umano tatangapin ang magsusumiti ng kulang ang kanilang mga papeles. Samantala, susubaybayan ng wow smile radio news team ang pagsusumite na ito ng SOCE hanggang alas singko ng hapon mamaya. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

IMPLEMENTASYON NG CURFEW AT OPLAN SITA SA BAYAN NG DONSOL 4 NA KABATAAN HINULI

Apat ang nasampolan sa Implementasyon ng curfew at oplan sita sa bayan ng Donsol na umarangkada na hindi paman umuupo si President Elect Rodrigo Duterte. Sa impormasyon ang apat na minor de edad ay dinakma ng PNP donsol sa isang videoke bar sa sitio buang , brgy. Rawis donsol sorsogon mga dakong alas onse na ng gabi. Anya hinuli ang mga ito dahilan sa hindi pag sunod sa municipal ordinance ng donsol sakanilang OPLAN SITA o CURFEW. Samantala ang curfew ay pinatupad upang iiwas ang mga kabataan sa masasamang gawi lalong lalo na upang maiwasan ang ano mang krimen na maaaring ma involve ang mga kabataan. Naiturn over na ang mga menor de edad sa opisina ng DSWD. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

KASO NG HIV AIDS SA SORSOGON PATULOY ANG PAGSIRIT

Sumirit na sa 11 ang kaso ng HIV/AIDSn dito sa sorsogon, kung saan nasa 37 naman ang tinatawag na asymptomatic. Base kase sa tala ng Epidemiology Bureau of the Philippine HIV-AIDS Registry mula 1984 hanggang November 2015 may kabuuang datus na 367 na kaso ng HIV/ AIDS sabuong kabicolan kung saan 69 dito ang AIDS at 298 ang nasa asymptomatic incidents. Sa record ang Camarines Sur ang may pinakamataas na kaso kung saan 20 ang AIDS carrier at 113 ang may asymptomatic; ang Albay ay may 25 AIDS at 89 asymptomatic; dito sa lalawigan ng Sorsogon may 11 na may AIDS at 37 ang asymptomatic; nasa pang apat ang Masbate na may 8 AIDS at 24 asymptomatic; ang Camarines Norte at 3 ang may AIDS at 24 asymptomatic; ang Catanduanes ay 2 AIDS and 10 asymptomatic. Dagdag pa ng DOH bicol na sa 367 HIV-AIDS mas nakalalamang dito ang kalalakihan na may bilang na 322 at nasa 45 lang ang kababaihan . Samantala, ang mga may edad na 25 to 34 years ay 210 ang bilang, ang 35-49 ay may 76 na kaso at kapansin pansin ang nasa mga edad na 14 years old kung saan nakapagtala ng 69 na kaso. 117 naman ang mga bisexuals, 93 heterosexuals at 153 ang homosexuals. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

107.3 WOW SMILE RADIO NAKATANGGAP NG PLAQUE OF APPRECIATION MULA SA DEP.ED SORSOGON PROVINCE

Binigyang parangal at pagkilala ng Department of Education Sorsogon Province Division ang pamunuan ng 107.3 WOW SMILE RADIO. Kahapon matapos ang kanilang programang Edukasyon at Impormasyon, personal nitong iniabot ang plaque of appreciation at Brigada Eskwela T-shirt dahil sa pakikiisa nito sa brigada eskwela 2016. Ayon kay Mr. Totep Perez na siyang Division Information Officer ng Dep Ed Province malaki ang naiambag nito sa panawagan ng pakikiisa at pagtulong ng iba’t ibang government agencies at iba pang private agencies sa nasambit na aktibidad. Matatandaan na ngayong Brigada Eskwela 2016 ang San Rafael Elementary School sa Sta.Magdalena, Sorsogon ang isa sa tinulungan ng WOW kung saan halos umabot sa sampong doble ang nakiisa sa opening ng Brigada eskwela. Sa naging panayam ng Wow Patroller kay Mr. Edwin Ergina dahil sa effort ng Wow Radio dumating ang Barkadahan, maging ang Kabalikat Civicom at iba pang stakes holder. Laking Tuwa naman at pagpapasalamat ang tanging nasambit ni San Rafael brgy. Captain Norvie Forte sa ginawang suporta ng 107.3 wow smile radio sa kanilang brigada eskwela 2016. Ayon kay forte ito ang kaunaunahang brigada eskwela na nagkaroon ng motorcade sa kanilang lugar. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

PILI FESTIVAL 2016 MULING MAGTATALA NG BAGONG RECORD ANG COLOR RUN WITH BUBBLES

Muling magtatala ng panibagong kasaysayan ang Pili Festival 2016 para sa kanilang color run event. Kung saan abalang abala na ngayon ang local na pamahalaan ng Sorsogon city sa mga gagawing aktibidad. Matatandaan na mula noong taong 2013 nagmarka na sa kasaysayan sa kabicolan ang tinaguriang the most populated and happiest Color Run na naisagawa sa Bicol. Walang namang naka break sa record na ito sa buong kabikolan kung kayat noong 2014 at 2015 sorsogon city din ang bumasag sa sarili nitong record. Kaugnay nito ngayon 2016 pinaghahandaan na ang tinaguriang the grandest, the newest at most ecstatic run craze na magiging high light ng Pili Festival 2016. Ayon sa mga organizers nito kalian man ay hindi pa ito ginagawa sa kasaysayan sa buong pilipinas kaya naman matutunghayan ito sa kauna unahang pagkakataon sa sorsogon ang tinawag na “Sorsogon! Colors and Bubbles” kung saan pinag combined ang masasayang kulay at bubbles. Samantala, mayroon din umano itong malalim na kahulugan ito ay ang ipagdiwang ang equality and unity sa gitna ng political diversity sa Sorsogon. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

ANIM NA LUGAR SA LALAWIGAN REKOMENDADONG PASYALAN NG ISANG WEBSITE

Anim na bagay at piling lugar sa lungsod ng Sorsogon ang recomendado ng website na www.bicolanoman.wordpress.com para pasyalan at gawing ngayong huling yugto ng summer 2016. Sa kanilang artikulo na may pamagat na 6 things to do in sorsogon city ang Paguriran Lagoon sa Brgy. Sawanga, Bacon District ang nakasungkit ng pang anim na pwesto, pang lima ang Pantomina dance na pamuso lalo na sa mga pistahan sa nayon hindi rin nagpahuli sa pang apat na pwesto ang masasarap na pagkain sa Tya Tinay’s, nasa pangatlong lugar naman ang Rompeolas o pyersite na magandang pasyalan lalo na ng mga mag sing irog pagsapit ng takipsilim o kaya naman sa gabi. Nasungkit naman ng buhatan ecopark ang pagalawang pwesto kung saan pwedeng ma experience ang very relaxing river cruising at kayaking adventure. Pagakapos mamasyal at kumain pwede namang magpahinga sa Siama Hotel na matatagpuan sa San Lorenzo, Bibincahan Sorsogon City na siya ang nahirang na number 1. Samantala, marami pang mga magagandang lugar sa lungsod ng sorsogon na pwedeng pasyalan lalo na papatapos na ang summer vacation. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

DALAWANG PULIS PATAY SA AMBUSH SA BAYAN NG BULAN

Patay ang dalawang Pulis matapos itong mabiktima ng ambush sa bayan ng Bulan. Sa inisyal na report binaril ito ng tatlong hindi pa nakikilalang mga kalalakihan. Nakilala ang mga biktima na sina PO3 Teddy Reyno Sacopon at PO2 Efren Almonte Villamor Jr. ng 2nd Platoon SPPSC. Sugatan naman ang isang sibilyan na si Ruben Herno. Matatandaan na naganap ang pamamaril noong nakaraang byernes dakong alas kwatro ng hapon sa brgy. zone 8 sa bayan ng bulan. Base sa nakalap na impormasyon ng wow patroller pauwi na galing sa isang intelligence mission ang dalawang pulis ng pagbabarilin ang mga ito. Sinasabing dead on arrival sa irosin district hospital ang dalawang pulis at duguan namang isinugod sa sorsogon provincial hospital ang sibilyan na si Herno na residente ng Brgy San Vicente. Samantala ang pinagsanib pwersang bulan MPS,SPPSC at Charlie Coy 31st IB,Phil ay patuloy sa kanilang ginagawang pagtugis sa naturang criminal. Kaugnay nito, hustisya sa ngayon ang sinisigaw ng mga naulila ng dalawang pulis. Pinapaabot naman ng opisina ni mayor sally lee, Bobet rodrigueza at ng himpilang ito ang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon