WOW

Tuesday, November 3, 2015

WOW SMILE RADIO NAPILI BILANG OFFICIAL RADIO STATION SA PALARONG PANLALAWIGAN

Ang wow smile radio ang napili bilang official radio station sa gaganaping palarong panlalawigan sa gubat national high school sa bayan ng gubat./ Kaugnay nga nito ay todo paghahanda ang buong pwersa ng wow smile radio news team para sa naturang aktibidad./ Gayundin ang mga manlalaro ng palarong panlalawigan na abala na sa pag-eensayo para sa nasabing aktibidad./ Sa kabilang dako magpapasimula naman ito sa darating na November 12 kung saan inaasahan itong magtatapos sa November 14./ Ito ay dahil na rin sa pagtitiwalang ibinibigay ng department of education sorsogon province division na siyang mangunguna sa gaganaping palarong panlalawigan./ Samantala mapapakinggan naman sa himpilang ito ang mga kaganapan sa naturang palarong panlalawigan.// log on to : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

3-DAY TRAINING AT WORKSHOP NG EAST,WEST AT BACON DISTRICT, NAGSIMULA NA

Nagsimula na ang tatlong araw na training at workshop ng tatlong distrito ng ciudad ng sorsogon na EAST, WEST at BACON DISTRICT./ Sa tatlong araw na ito ay ituturo sa kanila ang BAmboo Stand Rehabilitation, Nursery Development at Plantation Management na siyang magiging sustainable livelihood program ng mga taga-lungsod./ Ito ay sa pagtutulungan ng Department of Social Welfare and Development at ng City Government ng Sorsogon sa pangunguna ni City Mayor Sally A. Lee./ Dahil dito ay maraming mga mamamayan ng ciudad ang mabibiyaan ng naturang training at workshop./ Kahapon nga ay sinimulan na ang nasabing aktibidad na ginanap sa city hall sa brgy cabid-an./ Matatandaan na isa sa mga layunin at programa ng alkalde ay mabigyan ng maayos na kabuhayan ang kanyang nasasakupan.// log on to : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon