WOW

Friday, August 21, 2015

RACEL JOY ROCHA NATAGPUAN NA, JOHN JACOB DAWIT SA PAGKAWALA NG DALAGA

Makalipas ang walong araw, natagpuan na nga ng mga otoridad ang dalagang si Racel Joy Rocha, matatandaan na petsa 12 ng agosto ng maglaho ito matapos na pumasok sa isang mall ditto sa lalawigan./ kaugnay nito umani ng ibat-ibang reaksyon sa publiko ang pagkawala ni rocha, kasama na sa lumitaw na isyu ay ang di umanoy isinama ito ng dati nitong boyfriend na si john Jacob na naging trending pa sa FB na nagresulta pa sa pakikipag away pa ng kapatid ni john Jacob sa fb na may pangalang Cosna Joan Jacob at kanyang pinapasinungalingan ang pagsama umano ni joyjoy kay John Jacob./ Subalit sa naging panayam ni sir doods marianito kay PNP provcl dir ronaldo cabral inamin na nga nito na nasa bagio ang dalaga at positibong kasama ito ni John Jacob./ Kaugnay nito, biglang nanahimik si Cosna Joan, lalo na sa mga paratang nito na BIAS Umano ang media sa sorsogon./ Samantala, tumulak na patungong Baguio ang pamilya Rocha at mga otoridad upang kunin si Joyjoy na nasa pangangalaga sa ngayon ng DWSD Baguio, malaki naman magiging paNANAgutan ni john Jacob sa pagtangay nito sa dalaga dahilan sa ito ay menor de edad kung saan maari umano itong managot sa kasong taking advance at seduction of minor./ / LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

PAGKAKASANGKOT NG 31ST IB PHIL. ARMY SA PAGKAMATAY NI ESCANILLA PINABULAANAN

Mariing pinabulaanan ng 31st IB Phil. Army ang pagkakasangkot sa kanila na diumanoy sila ang may kagagawan sa pagkamatay ng human rights leader at radio anchor na si Teodoro “Ka Tudoy’ Escanilla./ Matatandaan na sa pinalabas na press release Karapatan bicol, matagal na umanong nasa hit list ng Army si Escanilla./ Sa programa ng PA 31st IB sa wow smile radio, pinasinungalingan nila ang naturang isyu, maari umanong sa posisyon ang rason kung bakit ito pinatay at maaaring itos mismong mga kasamahan nila./ Kung maalala, miyerkules ng gabi ng paulanan ng bala ang tahanan nito sa brgy tagdon sa bayan ng Barcelona./ kung saan apat na tama ng bala ang tumapos sa buhay nito./ Samantala, si Escanilla ay Anchorman ng programang "Pamana Ng Lahi" sa PBN DZMS, programa ng Karapatan Sorsogon mahigit isang dekada na ang nakakaraan./ bumuhos naman ang pakikiramay ng mga sorsoganon sa pamilya Escanilla.//LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

DRIVER NG MEGA BUS, AROGANTE

Arogante at wala sa hulog ang nagpapakilalang driver ng Mega Bus na na aksidente sa bayan ng Irosin kamakailan lang./ Kinilala ang naturang driver na si Rodolfo Sandoval at nagpapakilalang reside ng Bulacan./ Matatandaan na nagresulta sa pagkamatay ng biktimang kinilalang si Allan Jaraba alyas tado kung saan ito ay nakatira sa Brgy Salvacion, Irosin, Sorsogon./ Sa impormasyong nakalap ng wow smile radio news team, sa halip kase na pagtuunan ng pansin ang mga duguan at ang namatay na pasahero ng mega bus ay naging arogante pa ito, ayaw pakuhanan ng picture at ayaw magbaigay ng detalye dahilan sa ito umano ang order ng management ng naturang bus company./ Samantala, umabot sa 28 ang nasugatan matapos bumangga ang naturang sasakyan sa isang puno at tuluyang tumagilid sa palayan sa brgy monbon sa bayan ng irosin./ Sa ulat ng Irosin MPS galing maynila ang mega bus na patungong samar province ng bumangga ito sa puno ng niyog./ Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga sugatan upang lapatan ng pangunahing lunas.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

CIDG SORSOGON MULI NA NAMING NAKA-ISKOR

Muli na namang naka-iskor ang Sorsogon Criminal Investigation and Detection Group o CIDG matapos masakote ang tatlo katao./ Sa nakalap na impormasyon ng wow news team nasakote ng pinagsanib na pwersa ng CIDG sa pangunguna ni PCI Errol Garchitorena at ni PINSP Rey Lanusga ng HPG Sorsogon ang number 8 most wanted ng bohol na kinilalang si Marlo D. Betasa, na nakatira sa Cantubod, Danao, Bohol na may kasong frustrated murder, sa ilalim ng cc number 05-1559./ Batay sa ulat may nirekomendang Php 200,000.00 na pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan./ Sa kabilang dako dalawang babae naman ang inaresto ng CIDG sa Bbrgy Ticol dito sa lungsod ng sorsogon dahil sa kaso nitong “direct assault”./ Kinilala itong sina Jove Lavadia y Labitag at Imelda Lavadia Jaso./ Ito ay matapos magpalabas ng warrant of arrest si presiding judge Michael Balmaceda sa dalawang akusado./ Sa ngayon ay nasa pangangalaga pa ito ng CIDG.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

SIYAM NA HIV/AIDS CARIER SA LUNGSOD, PATULOY NA GUMAGALA

Tahasang inamin ni Sorsogon City East District City Councilor Ellen Jamisola, na malaya sa ngayong nakakagala sa lungsod ng sorsogion ang siyam na positibong may sakit na HIV-AIDS./ Ayon sa city councilor hindi naman umano ito pwedeng I-quarantine dahilan sa labag naman umano ito sa karapatang pantao batay sa nakasaad sa saligang batas./ dinagdag pa ni Jamisola na mas makabubuting umiwas makipagtalik sa hindi asawa para makaiwas sa nakamamatay na HIV-AIDS./ Sinabi pa ng opisyal na nababahala siya sa pagtaas ng kaso ng HIV-AIDS sa lungsod lalo pa at wala pang nadidiskubreng gamot para sa ganitong uri ng sakit./ karamihan umanong nabibiktima nito ay mga walang sapat na impormasyon sa naturang sakit./ isa pa umano sa maraming biktima nito ay ang mga kalalakihang nakikipagtalik sa kapwa lalaki./ Sa kabilang dako mariin namang itinanggi ng opisyal na hindi siya pabor sa programa ni Mayor Sally A. Lee na pro-life program.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

DALAWANG MIYEMBRO NG NPA, NASAKOTE SA BAYAN NG GUBAT

Hindi na nakapalag pa sa mga kamay ng military ang dalawang myembro ng New Peoples Army o NPA./ Matatandaan na sa isinagawang security operations ng 31st Infantry Battalion nitong sabado sa Bgy Union, sa bayan ng Gubat dalawang pinaghihinalaang miyembro NPA ang nahuli./ Sa pahayag ng 903rd Infantry Brigade sa medya, ang nasabing barangay ay nagdaraos ng kanilang piyesta at habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang tropa ng mga sundalo ay pinaputukan ito ng mga armadong rebelde./ Matapos ang pagpapaputok ay agad na nagkaroon ng “pursuit operation” ang mga sundalo na nagresulta sa pagkakasakote ng dalawa katao./ Narekober sa dalawa ang dalawang landmines at mga subersibong dokumento ./ Sa kabilang dako wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng tropa ng pamahalaan./ Samantala dinala naman sa Gubat MPS ang nasabing mga persona.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

MGA OTORIDAD, BLANKO PARIN SA LALAKI PINAULANAN NG BALA, PATAY SA BAYAN NG BULAN

Hirap paring hanggang sa ngayon ang mga otoridad sa pagbibigay ng hustisya sa lalaking pinagbabaril patay sa bayan ng Bulan./ Matatandaan na dead on the spot ang biktimang kinilalang si Catalino Guray alyas Tallie sa Brgy. Inararan sa naturang bayan./ Sa ulat kase ng Bulan Municipal Police Station tama ng baril sa iba’t-ibang parte ng katawan at ulo ang dahilan ng agarang pagkasawi ni Tallie./ Una rito ay nagpaabot ng impormasyon sa mga otoridad si Brgy Capt. Rommel Bejison ng Brgy Inararan hinggil sa nangyareng krimen ./ Sa kabilang dako narekober sa pinangyarihan ang 13 basyo ng bala at dalawang slugs ng caliber 45 pistol./ Samantala, patuloy ang imbistigasyon ng PNP Bulan hingil sa nangyareng pamamaslang.// LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

LGU-SORSOGON CITY, PASOK SA TATLONG FINALIST SA CITY CATEGORY CLIMATE ADAPTIVE AND DISASTER RESILIENT O (CLAD) AWARD SA BUONG PILIPINAS

Lusot sa tatlong finalist sa buong Pilipinas, City category ang local na pamahalaan ng lungsod ng Sorsogon sa nalalapit na Climate Adaptive and Disaster Resilient o (CLAD) Award./ Matatandaan na sa city category tatlo lang ang pasok sa buong pilipinas ang LGU-Sorsogon City, kasama ang Legaspi City at ang Malolos City sa Bulacan./ Sa impormasyon na nakalap ng wow smile radio news desk ang Climate Change Commission o (CCC) at ang mismong opisina ni Senador Loren Legarda ang mismong nagkumpirma maswerteng napasama sa finalists sa CLAD Award ang LGU-Sorsogon City./ sa municipal category ay pasok namn ang Tublay, Benguet, Canaman, Camarines Sur at Mercedes, Camarines Norte, samantala, isa lang ang naging finalist mula sa Mindanao ang Hinatuan, Surigao del Sur at dalawa naman mula sa visayas region, ito ay ang Dumangas , Iloilo at Palompon, Leyte./ Isasagawa ang Final Presentation at Judging ngayong darating na Setyembre 2015.// log on to : LOG ON TO : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon