WOW

Tuesday, March 11, 2014

TATLONG KALALAKIHAN TIKLO SA PAGPUTOL NG KAHOY SA CASTILLA, DALAWANG LALAKI NAMAN HULOG DIN SA MGA KAMAY NG OTORIDAD SA PAG BIYAHE NG MGA PINUTOL NA COCO LUMBER SA BAYAN NG BULAN.

March 12, 2014: CASTILLA AT BULAN - Kalaboso ang limang kalalakihan sa dalawang magkahiwalay na bayan sa dito sa lalawigan ng sorsogon sa salang pag biyahe at pagpuputol ng kahoy na walang anumang kaukulang permiso.

Sa impormasyon na nakuha ng News and Information Center,  huli sa akto ng mga brgy. Tanod ng brgy Obrero  ang mga suspetsadong kinilalang sina Romy Miranda y Albor 36yo at Wilmer Estiller y Tiago 33yo pawang nakatira sa sa brgy. Fabrica sa bayan ng Bulan habang ibinabiyahe ng mga ito ang mga pinutol na coco-lumber ng walang permiso mula sa Phil Coconut Authority.

Samantala, sa bayan naman ng Castilla, rehas na bakal na ang hinihimas nina Henry Montiza Manga 44yo, Larry Lodangga Mirandilla 31 at Gerry Mendiz Gredito 35 mga residente naman ng Brgy. Dinapa Castilla, Sorsogon.

Huli ang mga ito sa aktong nagpuputol ng mga kahoy ng walang kaukulang permiso galing sa local na pamahalaan. Ang  grupo ni PINSP Jose Arnel Geronga ang naka akto habang nagpapatrolya ang mga ito sa nasabing lugar.

Sa ngayon, inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspetsado.


Writer: Wow Patrol # 1 Bonn Laureta Habal

No comments:

Post a Comment