WOW

Sunday, March 23, 2014

SUSPECTS SA PAMAMASLANG KAY ARNEL ESTRELLADO TIKLO!

Sorsogon City - Nahuli na ng pinagsanib na puwersa ng sorsogon city PNP at ng CIDG ang prime suspects sa pamamaril at pagpatay kay PDEA Agent Arnel Estrellado nito lamang Sabado.

Ayon sa inisyal na report, na-aresto ang mga suspetsado sa Oas, Albay kahapon ng hapon. Kinilala ang mga ito na sina Joseph Cris Rantael at Adonis Bartolome Casimiro na pawang nakatira sa naturang bayan.

Positibong itinuro umano ng mga testigo ang suspects makaraang ipresenta ng mga Police Investigators ang larawan ng posibleng may kagagawan ng krimen.

Di na nag-aksaya pa ng panahon ang mga ito at tumuloy na nga sa Oas, Albay at matyagang sinundan ang mga suspects na nagresulta naman sa pagkakahuli ng mga ito.

Samantala, isa sa suspect ay kapatid ng umano'y nahuling drug pusher ng biktimang si Estrellado sa isang operasyon ng mga ito sa Albay. Ito rin ang tinutumbok ng mga imbistigador na maaring dahilan sa pagplanu upang itumba ang biktima.#

No comments:

Post a Comment