WOW

Tuesday, March 11, 2014

SSS BUILDING DITO SA LALAWIGAN NG SORSOGON, BINEBENTA NA!

March 12, 2014 : SORSOGON CITY - Kinumpirma kahapon ni Social Security System President & CEO Emilio S. de Quiros sa ginanap na kapihan sa SSS, sa oriental Hotel Legaspi City na hindi na nila gagamitin ang bagong building ng Social Security System o SSS dito sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa kanyang naging pahayag, sa ilalim ng kanyang pamamahala ibig niyang ilapit sa mga myembro ng nasabing ahensya ang kanilang opisina subalit ito umano ay kabaliktaran sa naging lokasyon ng kanilang opisina ditto sa lalawigan dahilan sa nasa anim na kilometro umano ito mula sa sentro ng Sorsogon.

Ayon pa sa kanya hindi praktikal para sa mga myembro ng sss dito sa Sorsogon ang lokasyon ng nasabing edificio kung kaya aapatuloy silang naghahanap ng mas accessible na lugar.

Samantala, minimithi ng kaniyang pamamahala na sana dumating din ang pagkakataon na magkaroon din ng mahigit sa 800 branches ang SSS kagaya ng top 3 bank dito sa Pilipinas.


Written by: Wow Patrol #1 Bonn Laureta Habal

No comments:

Post a Comment