WOW

Saturday, March 22, 2014

PDEA AGENT PATAY MATAPOS MALAPITANG PAGBABARILIN NGAYONG HAPON

FOLLOW-UP REPORT AS OF 5:30PM

March 22, 2014 : SORSOGON CITY - Agad na bumulagta ang isang padre de pamilya matapos itong malapitang pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang sariling carinderia ng hindi nakikilalang mga kalalakihan sa may porsyon ng Brgy. Tugos, Sorsogon City./

Sa impormasyong nakalap ng Wow Patrollers, nasa pagitan ng alas dos hanggang alas tres ng hapon kanina ng bigla nalang may umalingaw na sunod-sunod na putok sa nasabing lugar na labis na ikinagulantang ng mga residente./

Ayon sa mga nakasaksi, tatlong kalalakihan na sakay ng isang motorsiklo na nasa pagitan ng edad na 20 hanggang 30 taong gulang ang pumarada malapit sa nasabing canteen, pumunta sa nasabing kainan ang dalawang lalaki na nakasuot ng sombrero, naka short at naka t-shirt at nagpakunwaring mga costumer, habang ang isa naman ay naiwan sa nasabing motorsiklo./

Agad naman itong inistema ng biktima na kinilalang si Arnel Estrellado na isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, sa pag aakalang kakain lamang ang mga ito, kung kaya kinuha nito ang order at pumasok na sa kusina, agad naman itong sinundan ng isa sa dalawang lalaki at duon na nga ito malapitang pinaulanan ng bala./ Agad naman itong isinugod sa Sorsogon Medical Mission Group Hospital o SorDoc, subalit makalipas ang ilang minuto ay binawian na ito ng buhay./ 

Samantala, tig isang calibre 45 ng baril ang nakitang bitbit ng dalawang lalaki sa kanilang paglisan sa nasabing lugar at hindi manlang ito kinakitaan ng pagmamadali./ Patuloy naman sa ngayon na iniimbistigahan ng mga otoridad ang tunay na motibo ng nasabing pamamaslang.//






Written by: Wow Patrol # 4  Edgar Tumangan

No comments:

Post a Comment