WOW

Sunday, March 30, 2014

Jewerly Shop sa MOA, inatake ng mga hinihinalang magnanakaw

March 31, 2014 - Nabulabog ang mga namimili at namamasyal sa Mall of Asia (MOA) sa Pasay City, Linggo ng gabi, matapos makarinig ng putok ng baril sa bisinidad ng mall.

Ayon kay Steven Tan, vice president for mall operations ng SM, inatake ng hinihinalang mga magnanakaw ang isang jewelry shop sa loob ng gusali.

Isa sa mga gwardiya ng mall ang nasugatan dahil sa shooting incident at agad dinala sa ospital.

Naaresto naman ng Pasay City police ang isa sa mga suspek na may dalang kalibre 45 baril.

Naniniwala ang otoridad na miyembro ng "Martilyo Gang" ang umatake sa mall.

Bandang alas-8:30 ng gabi, pinayagan na ang mga naipit na mamimili na makalabas ng gusali, habang kinordonan naman ang lugar na pinangyarihan ng pamamaril.

No comments:

Post a Comment