Thursday, June 23, 2016
Assistant Provincial Veterinarian Dr. John Ashley De Castro Assistant and Mr. Dan Razo Director of SCBTG
LIVE PO Si Dr. John Ashley De Castro Assistant Provincial Veterinarian and Mr. Dan Razo Director of SCBTG
For questions you may text 09074710762 or 09088165759
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Thursday, June 16, 2016
CAPITOL EXTENSION ITATAYO SA BAYAN NG IROSIN PARA SA SEGUNDO DISTRITO
Magkakaroon na ng extension ang capitol office sa ikalawang distrtito sa lalawigan ng Sorsogon. Sa impormasyon na nakalap ng wow patrolers ang nasabing kapitolyo ay sa bayan ng irosin itatayo para sa mga mamamayan ng Segundo destrito. Ang bagong uupong gobernador sa probinsya ng sorsogon na si Bobet lee rodrigueza at nagkaroon ng inisyatibo para maisakatuparan ito. Layunin nito ay upang hindi na mahirapan ang Segundo destrito na pumunta pa sa sorsogon provincial capitol na nasa syudad ng sorsogon upang ipaabot ang kanilang mga concerns sa gobernador, ayon pa kay governor rodrigueza mas madali nyang malalagyan ng mga proyektong kailangan ng Segundo distrito sa pamamagitan ng paglalagay ng kapitolyo sa irosin dahil malalaman nya mula sa mga residente nito ang mga kailangang proyekto o programa na ibibigay nya. Samantala, ang nasambit na kapitolyo ay magkakaroon din ito ng sariling staff at administrator.
CITY TOURISM OFFICE IDINIPENSA ANG PILI FESTIVAL 2016
Idinipensa ni City Tourism Officer Siony Alejo ang tungkol sa reklamong may mali umano sa pag organisa sa paparating na PILI festival. Ayon kay Ms. Alejo masusing pinag isipan ng kanilang tanggapan ang lahat ng aktibidad sa nalalapit na pili festival bago paman ito ipinalabas sa mga mamayan ng lungsod, aniya ang mga reklamo ay maaaring gawa lamang ng mga kritiko ng kalaban ng nakaupong alkalde na si Mayor Sally Lee. Matatandaan na halos lahat ng mga proyekto ni Mayor Lee ay hindi pinapalampas ng kanyang mga kritiko sa pulitika . Samantala, dinagdag pa ni Alejo na mas makabubuting suportahan na lamang at panuorin ang mga exciting event ng pili festival dahil sa marami nitong mga event na pinag handaan talaga ng local na pamahalaan ng Sorsogon.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
BAGONG AMBULANSYA SA BAYAN NG BULAN, DUMATING NA
Dumating na ang bagong ambulansya sa bayan ng bulan kung saan binili umano ito sa pamamagitan ng annual year budget of LGU bulan 2016. Ayon sa impormasyong nakalap ng wow patrollers nais umano ni Bulan Mayor Marnellie Ballesteros Robles na magkaroon naman siya ng ligasiya bago pa man siya bumaba sa kaniyang pwesto sa Hunyo a trenta. Layunin ng nasabing behikulo ay upang mas mapalawak ang serbisyo pagdating sa kalusugan lalo na sa oras ng emergency. Samantala isa pang proyekto ang nais iwanan ng nasabing alkalde at ng sangguniang members ay ang mga rubberized na Bangka sa tulong na rin ni MAO Marietta Geraldino Bayoca Department of Agriculture at BFAR. Samantala ang nasambit na rubberized banka ay isang livelihood program para sa mga register fisher folks in bulan under the resource management outreach program.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
SORSOGON EAST CENTRAL SCHOOL HINDI NAKAPAG FLAG RAISING CEREMONY
Hindi nakapag flag raising ceremoy ang sorsogon east central school sa unang araw ng pasukan. Sa pagbisita ng wow news team kahapon, rason nito ay ang on going construction sa gusaling ginagawa sa loob ng compound nito,na dapat sana noong unang linggo palang ng hunyo ay tapos na ito . Subalit bigo ang contructor na tapusin ito kaya naman muli itong humingi ng extension ng hanggng setyembre. Kaugnay nito nagbigay na ng kautusan ang principal na si Angel Recibido na sa kanya-kanyang class room nalamang muna gawin ang flag raising ceremony. Samantala haggang ngayon ay may mga magulang parin na humahabol sa pagpapa enroll ng kanilang mga anak.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
PAGBABAWAL SA PANINIGARILYO SA PAMPUBLIKONG LUGAR PATULOY NA TINUTUTUKAN NG CITY GOVERNMENT
Bahagi sa programa ni Mayor Sally Ante Lee na PRO life kung kaya mas pinahigpit sa ngayon ang pagbabawal ng paninigarilyo sa rompeolas sa lungsod ng Sorsogon. Matatandaan na may city ordinance ang lungsod na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar bilang pagsunod narin sa Clean Air Act (R.A. 8749). Kaugnay nito makasisigurong makakalanghap ng preskong hangin ang lahat ng bumibistita sa rompeolas lalo na palagi na itong dinudumog ng mga sorsoganon kung saan isa na ito sa nakasanayang pasyalan hindi lng ng mga mag sing irog kundi ng buong pamilya. Ayon sa pag aaral malaki ang nagiging epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng tao kung saan nasa 56% ng kalalakihan at 12% naman ng kababaihan ang naninigarilyo sa buong pilipinas. Ayon pa sa mga dalubhasa kapag nalanghap ng ibang tao ang usok mula sa user nito puwede itong magdulot ng sakit kung saan ito ang madalas na nararanasan ng mga Sorsoganon lalo na sa mga pampublikong lugar. Ang nakakalungkot pa dito ay mas madalas sa bahay pa ito nararansan. Dagdag pa ng mga eksperto ang paninigarilyo ay nakababawas ng 6 na taon sa buhay ng gumagamit nito. Sa mga taong nakalalanghap ng usok ng iba o ang passive smokers mababawasan din sila ng 2 taon sa kanilang buhay.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
CITY TOURISM PINAGPAPLANUHAN NA ANG PAGPAPAGANDA SA PAGURIRAN
Personal na binisita ng mga opisyal ng DENR, PENRO, CENRO, City Tourism, Provincial tourism, brgy. Council ng sawanga, kasama din ang city administrator na si atty. Laceda at Christine lee ang Paguriran Beach resort. Layunin ng kanilang pagbisita sa nasabing lugar ay upang mapag usapan ang pagpapaganda at pag sasaayos ng sistema at pisikal na anyo ng paguriran partikular na ang pagpapaganda at pagpapanatiling malinis ng paguriran beach. Matatandaan na ang paguriran ay isa sa mga tourist spot na dinarayo sa sorsogon city, kaya nman katulad ng ginawa ng city government sa brgy. Buhatan nais din ni City Mayor Sally A. Lee na mas makilala ang naturang lugar upang makatulong sa mga mamamayan ng Brgy. Sawanga. Samantala, ilan pang mga eco tourism area ang target ngayon ni Mayor Lee na mas lalong papagandahin lalo na muli siyang nabigyan ng karagdagang tatlong taon para manilbihan sa lungsod.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
SORSOGON 2ND DISTRICT REP. DING RAMOS NAGLIPAT BAKOD NA SA PDP LABAN NI DIGONG
Naging trending sa social media ang ginawang paglipat ni Sorsogon second district Congressman Diograscia Ding Ramos sa PDP laban ni Presidents elect Rodrigo Duterte. Matatandaan na aktibong myembro ng LP o Liberal party ang naturang Kongresista kung saan nito lamang nakaraang election tinalo nito ang mismong kandidato ng PDP laban na si Eduardo Jun Ong ng irosin Sorsogon. Sa kabilang dako bukod kay Ramos ilan pang myembro ng LP ang naglipat bakod sa PDP laban kagaya nina Jesus Sacdalan (1st District, North Cotabato), Renato Unico Jr (1st District, Camarines Norte), Glona Labadlabad (2nd District, Zamboanga del Norte), Lucy Torres Gomez (4th District, Leyte), Lucille Nava (Guimaras), and Queenie Gonzales (Mandaluyong). Si Gonzales ay ang asawa ni House Majority Floor Leader Neptali "Boyet" Gonzales II, na sa ngayon ay nasa pangatlong termino na. Samantala, bukod sa mga LP lawmakers, lipat bahay din sa PDP sina Leyte 3rd District Representative Vicente Veloso ng the National Unity Party, at Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo Teves Jr ng Nationalist People’s Coalition.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
SORSOGON CITY PUMALO NA SA 168,116 ANG PAPULASYON BASE SA 2015 SURVEY NG PSA
Pumalo na sa 168,116 ang papulasyon sa lungsod ng Sorsogon base sa 2015 population census na isinagawa noong nakaraang Agosto. Sa kanilang record ang mga lungsod ng Naga at legaspi ang may pinakamalaking papulasyon kung saan nasa 196,000 ang kabuuang bilang nito, lamang lang ang Legaspi sa Naga ng 636. Sa anim na lalawigan naman ang Camarines Sur ang pinakamarami na umabot na sa 1.9 million, sinundan ng Albay na may 1.3 million at ang Catanduanes naman ay ang pinakamaliit na nasa 260,964 lang ang bilang. Ayon sa PSA Phil Statistics Authority umakyat na ang papulasyon ng Bicol region sa 5.7 million, subalit ang tinatawag na population growth rate (PGR) ay bumaba ng 0.17 percent mula sa 1.46 noong 2000-2010 naging 1.29 percent ito nitong 2010-2015 census. Ayon kay Population Commission Region 5 Director Magdalena Abellera ang pagbaba ng PGR ay nagpapakita na ang gobyerno ay successful sa kampanya na family planning kung saan ang contraceptive prevalence rate ay 45 percent ng mga couples ay gumagamit ng modern family planning methods. Samantala, dinagdag pa ni Abellera na ngayong 2016 ay inaasahan nila na may 78,174 na mga couples ang makakatangap ng education on responsible parenthood lalo na sa paggamit ng modernong pagpa plano ng pamilya.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Wednesday, June 8, 2016
GROUND BREAKING NG DOLE OFFICE NGAYONG ARAW NA
Ngayong araw isasagawa ang ground breaking rites ng 947 square meters na ibinigay ng pamahalaang panglungsod sa DOLE. Matapos ang ilang taong pangungupahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa lalawigan ng sorsogon ay magkakaroon na ito ng sariling gusali sa nasambit na lalawigan. Matatandaan na noong marso taong 2015 isinalin ang kasunduan o memorandum of agreement kung saan binigyan ng pamahalaang panglungsod ang DOLE ng 947 square meters na lote para sa dalawang palapag na gusali at paradahan ng mga sasakyan. Samantala kinompirma naman ni Raymond Escalante tagapagsalita ng DOLE ang pagdating ni undersecretary Nicon Fameronag upang saksihan ang nasambit na aktibidad.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Subscribe to:
Posts (Atom)