WOW

Monday, April 6, 2015

PANIBAGONG ATRAKSYON SA LUNGSOD, PINASINAYAAN KAHAPON

Pormal ng binuksan sa publiko ang panibagong atraksyon sa lungsod ng Sorsogon, ito ang buhatan river na siyang magsisilbong eco-tourism ng barangay./ Pinangunahan ni City Mayor Sally A. Lee ang pagbubukas ng bagong tourist destination sa syudad./ Naging pangunahing besita sa nasabing aktibidad ang mismong region V Regional Director ng Turismo na si Mam Nini Ravanilla./ Ayon kay Ravanilla, malaking tulong umano ito sa kabuhayan ng mga taga buhatan, lalo na mayroon itong pinaka iingatang natural na yaman ang alitaptap sightings kung saan halos apat na lugar lang sa buong pilipinas ang mayroon nito./ Labis namang ikinatuwa naman ng mga nakatira malapit sa ilog ang pagbubukas nito dahil malaking tulong sa kanilang hanap buhay ang mag turistang darayo sa lugar dahil sa mag produktong kanilang ibebenta sa mga bibisita doon./ Samantala sinabi naman ni City Councilor Atty Jjoven Laura na bukod sa buhatn river ay may ilan pang barangay sa syudad ang kanilang dinidevelop para sa turismo.//

LALAKING TULAK, BAGSAK NA SA MGA KAMAY NG OTORIDAD

Muling naka iskor ang mga otoridad kahapon, matapos na bumagsak sa kanilang mga kamay ang isang pinaniniwalaang adik at tulak ng droga sa Lungsod./ Sa isinagawang buy bust operation, rarekober ng mga otoridad ang isang empty cigarette malboro,P1000 mark money, 1lighter, 1 sun glass, wallet na may cash p3340 plus barya Drivers License ng suspetsado, isang tnt sim card, cp battery at 5 sachets ng mga pinag hihinalaang droga./ Sa nakalap na impormasyon ng wow news team dakong alas 3:45 kahapon ng isagawa ng opearsyon intelligence police sa barangay cabid-an, sorsogon city na nagresulta sa pagkakasakote sa suspek na si Francisco Sanchez Jr./ Sa ngayon ay hawak na ng mga otoridad ang suspek at habang sinusulat ang balitang ito ay nangangalap pa ng impormasyon ng wow news team para sa karagdagang impormasyon.//

SUSPEK NA TUMAGA SA SARILING KAPATID KALABOSO NA

Kalaboso na sa ngayon ang suspek na tumaga sa kanyang sariling kapatid dito sa lungsod ng Sorsogon./ Matatandaan na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid sa gitna ng isang inuman na nagresulta sa pananaga ni Oliver Avila Balanoyos 34yo na nakatira sa Brgy. Ticol West District Sorsogon City./ Kinilala naman ang biktima na kuya ng suspetsado na Salmiro Avila Balanoyos na mas kilala sa tawag na atid, 36 anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente rin ng nasabing lugar./ Dagdag pa sa impormasyon dahilan sa tindi ng pagtatalo agad na hinablot ng suspek ang kanyang itak at pinagtataga na lamang ang kanyang kuya atid./ Agad na dinala ang biktima sa Sts. Peter and Paul Hospital (PEPAU) ng kanyang mga kaanak para sa paunang lunas./ Samantala agad namang rumisponde ang Sorsogon CPS na nagresulat nga sa pagkakahuli sa suspek na dinala sa himpilan ng pulisya para sa tamang disposisyon.//

Sunday, April 5, 2015

ISANG ADIK, KALABOSO MATAPOS MAGTAGO SA ISANG EVACUATION CENTER SA BAYAN NG BULAN

Agad na nahulog sa mga kamay ng otoridad ang pinaghihinalaang tulak ng droga sa bayan ng Bulan./ Matatandaan na naaresto sa isang evacuation center sa Brgy. Obrero, ang isang suspek matapos makompiska sa kanya ang tatlong pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu, Php500.00 marked money at ilan pang drug paraphernalia./ Sa nakalap na impormasyon ng wow news team dakong ala 01:18 ng umaga ng magsagawa ng buy-bust operation ang Bulan Municipal Police Station sa evacuation center sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na si Jay-ar Gipit y Jimenez, 22 anyos, walang asawa, magkakarne kung saan residente rin Brgy. Obrero./ Samantala ang suspek at ang mga nakompiskang ebidensya ay dinala na sa RCLO5 upang isailalim sa laboratory exam.//

NPA PATAY, SUNDALO SUGATAN SA ENGKWENTRO SA MAGALLANES

Agad na namatay ang isang di pa nakikilalang miyembro ng mga pinaghihinalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) habang isang sundalo naman ng 31 Infantry Battalion ang nasugatan sa nangyaring engkwentro sa bayan ng Magallanes./ Matatandaan na mga dakong 5:30 ng umaga noong nakaraang Huwebes ng maganap ang nasabing insedente kung saan naganap ito sa Brgy Tagas, Magallanes, Sorsogon./ Ang sundalo ay kinilala ng 903rd Brigade na si Pfc Richard Tablate, miyembro ng 31st Infantry Battalion na agad itinakbo sa isang pribadong ospital matapos magatamo ng tama sa naturang engkwentro./ Ayon kay Col Cesar Idio komander ng 903 Brigade nakatanggap umano sila ng impormasyon na may mga presensiya ng armadong grupo sa nasabing lugar./ Agad bumuo ng grupo ang komander ng 31 IB na si Lieutenant Colonel Beerjenson Aquino sa pamumuno ni 2Lt Ano-os./ Nadatnan ng tropa ang tinatayang nasa 10 rebelde na kasapi ng grupo ng isang ‘Ka Neo’ na nagpapahinga at ang iba ay natutulog pa./ Sa kabilang dako umabot ng humigit kumulang sa 35 minutos ang naging palitan ng putok sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at tropa ng militar./ Matapos ito ay agad na nakipag-ugnayan si Ltc Aquino kay Police Director Bernard Banac ng Sorsogon Police Provincial Office para makipag-koordinasyon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pag-imbestiga sa naturang lugar at sa proseso ng labi ng rebeldeng nasawi./ Narekober sa lugar ng pinangyarihan ang 2 M16 rifle, mga subersibong dokumentos at 5 backpack na may lamang personal na kagamitan ng mga rebelled./ Samantala habang sinusulat ang balitang ito ay nangangalap pa ng impormasyon ang wow news team para sa karagdagang detalye ng hinggil sa nangyayaring insdente.//

Thursday, March 26, 2015

SORSOGON MAY BAGONG APAT NA ABOGADO

Apat na sorsoganon ang muling nagbigay ng karangalan sa lalawigan matapos itong makapasa sa 2014 Bar Examination./ Sa nakalap na impormasyon ng wow smile radio ang mga pumasa ay sina Merl Gratela, Maricel Olbes, Moiselle Magdamit at Michael Vincent Galarosa. / Matatandaan na nasa 6,370 ang kabuuang bilang ng mga examinees at 1,126 lamang dito ang pumasa./ Maswerteng naming napabilang dito ang apat na taga sorsogon./ Sa kabilang dako nagpaabot naman ng pagbati ang Integrated Bar of the Philippines (IBP), Sorsogon Chapter sa pamamagitan ni President, Atty. Adrian B. Alegre./ Samantala isa na naman itong karangalan sa probinsya ng sorsogon na dinala ng mga nasabing mga persona dahil sa pangalan ng probinsyang kanilang dala-dala.// log on to : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

BUDOL-BUDOL GANG MULING UMATAKE SA LALAWIGAN

Muli na namang umatake ang tinaguriang budol-budol gang sa probinsya, kung saan isang ginang ang sinalakay ng mga ito./ Sa naging panayam ng Wow patroller sa biktima na nagpatawag lang sa pangalang Aling Josie modus umano ng nasabing grupo ang lituhin ang kanilang bibiktimahin kagaya ng nangyare sa naturang ginang./ Sa salaysay ni Aling Josie, bumili umano ang isang suspek ng maiinom na softdrinks kung saan isang libo ang dala nitong pera, agad naman umano itong sinuklian ng biktima kung pinaharurot na nito ang kanyang motorsiklo at agad na umalis./ Subalit ang kanya umanong ipinagtaka dahilan sa agad din itong bumalik at isinauli ang biniling softdrinks./ kaya ibinalik ng ginang ang isang libo, at sa halip na ibalik ang sukli pinaharurot na nito ang maotorsiklo tangay ang isang libo at ang sukli./ sa kabilang dako sinubukang habulin ng biktima ang suspek subalit hindi na ito inabutan pa dahil sa sobrang bilis nito./ Samantala pinag-iingat ngayon ang publiko sa modus ng nasabing grupo lalo na at papasok na ang semana santa kung saan maraming turista ang darayo sa probinsya upang magbakasyon ngayong panahon ng kwaresma.// log on to " https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

DOH AT PHO-SORSOGON NAGBIGAY NG BABALA TUNGKOL SA MGA SAKIT NA DALA NG SUMMER SEASON

Maaari umanong magkaroon ng masamang epekto sa kalusugan ang papalapit na summer season sa probinsya, ito ang ipinahayag ng Dept. of Health Bicol./ Ayon kay DOH Bicol Health Promotions Unit head Noemi Bron, maraming sakit ang maaaring lumitaw ngayong summer dahilan sa mainit na kondisyon ng panahon./ Kasama na umano dito ang sunburn, heat stroke, bungang araw, sore eyes, pigsa, high blood, influenza at marami pang iba./ Kaya naman nagbigay ito ng babala sa mga taga sorsogon na maghanda at maging maingat./ Pinagiingat din ni Bron ang publiko sa mga pagkain lalo na ang mga street foods dahilan sa mabilis mapanis ang mga pagkain kapag sobrang mainit ang temperatura na maaring mag resulta sa food poisoning./ Samantala, Inabisuhan din ng opisyal ang mga taga lungsod umiwas sa direktang pagpapatama sa sikat ng araw mula alas 10 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon./ Dinagdag pa ni Bron na mas mainam kung palagiang uminom ng sapat na tubig na hindi bababa sa sampung baso kada araw, dahilan sa ang palagiang pag inum ng tubig at pagkakaroon ng healthy lifestyle ang susi para makaiwas sa mga matitinding sakit.// log on to : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

MERS-COV VIRUS, KUMPIRMADONG HINDI PA NAKAKAPASOK SA SORSOGON-DR. GARCIA

Walang dapat na ipangamba ang mga sorsoganon tungkol sa kumakalat na balita na diumanoy nakapasok na sa sorsogonang mers-cov virus./ Matatandaan na biglang kumalat at naging viral sa internet ang pagkakaroon ng lagnat ng isang OFW na galing pa sa bansang Oman, kung saan agad itong pinag hinalaang may mers-cov./ Kaugnay nito agad itong pinasuri at lumabas sa resulta na negatibo ito sa mers-cov./ Ayon kay kay Dr Edgar Garcia, Provincial Health Officer II ng lalawigan ng Sorsogon, na discharge na umano ang nasabing pasyente na una ng ni refer sa Bicol Medical Center para sa obserbasyon./ Dinagdag pa ni Dr. Garcia na kaya ito pinag hinalaan dahilan sa ang lagnat na naranasan nito at iba pang sintomas ay kagaya ng sa MERS COV lalo na kagagaling lang nito sa gitnang silangan kung saan laganap ang mers-cov./ Samantala, ang ganitong reaksyon ng PHO ay ikinatuwa naman ng mga sorsoganon dahilan sa nagpapakita lang ito na preparado ang PHO upang malabanan ang nakamamatay na virus.// log on to : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon

Wednesday, March 25, 2015

Ang www.wowsorsogon.blogspot.com ay mapapakinggan narin sa mga android at windows phone... itype lang sa browser ang aming website at i-on ang view web browser sa ibabang bahagi ng page... mapapakinggan nyo na po kami via phone basta may net access po kayo... try na.... log on : https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon