WOW

Thursday, August 11, 2016

SK AT BRGY. CANDIDATE NA SANGKOT SA DROGA PUWEDE PANG TUMAKBO – Comelec

Hindi puwedeng i-disqualify ng Commission on Election (Comelec) ang sinumang kandidato na naghahangad na tumakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (SK) na sinasangkot sa illegal na droga. Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, na hindi magiging dahilan ang nasabing alegasyon sa disqualification ng mga kandidato sa SK at Brgy. Election sa Oktubre 30. Dagdag pa nito na dapat munang patunayan sa korte ito bago ang kanilang pagdisqualify. Kapag naglabas ng hatol ang korte ay puwedeng tanggalin sa pagkakandidato ang mga nasasangkot sa illegal na droga. Samantala, Gaganapin sa Oktubre 3 hanggang 5 ang filing of candidacy ng mga tatakbong sa barangay at Sangguniang Kabataan election. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN DINISMISSED ANG REKLAMO NG AGRECOFISH COOPERATIVES KAUGNAY SA ROAD WIDENING TREE CUTTING

Dinismissed ng committee on environment ng sangguniang panlalawigan ang reklamong inihain ng Agreco Fish Producers Cooperatives sa contractor ng 4 lane road widening project na ginagawa sa maharlika highway. Ito ang nagging resulta ng Sa ginanap na committee hearing kahapon na dinaluhan ng DPWH 1st District kung saan ini represent ito ni District Engineer Ignacio Odiaman, Mayor Boboy Hamor ng Casiguran , Ms. Anabelle Barquilla ng DENR/ at Imelda Baltazar ng PENRO/ Ayon kay bokal Joey Guban dinismissed nila ang naturang kaso dahilan sa wala sila umanong hurisdiksyon sa DPWH base sa probinsyon ng local code 7160. Sa kabilang dako sa panayam naman kay Red Lasay nagtataka umano sya kung bakit noong kasagsagan ng pag putol ng puno sa bayan ng bulan ay ganon na lamang ang galit ni guban sa dating alkalde ng bayan habang ang kanilang reklamo ay dinismissed na lamang. Samantala matapos bumisita si Mr. Red Lasay sa wow radio gumagawa narin sa ngayon ng paraan ang Wow News team para makuha naman ang panig nina Bokal becky Aquino na siyang chairman ng committee on environment at ang Co chairman nito na si Bokal Joey Guban. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

AGRECOFISH PRODUCERS COOPERATIVE DISMAYADO SA DESISYON NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

Dismayado ang grupo ng agreecofish sa naging desisyon ng sangguniang panlalawigan na I dismissed ang inihain nilang reklamo kaugnay ng sinasabing illegal cutting of trees. Ayon sa panayam kay Mr. Red Lasay Agrecofish Cooperative Chairman sa malamang mayroon ng desisyon ang sangguniang panlalawigan bago pa mag simula ang session tungkol ditto. Dahilan sa imbis na basahin ang kanyang reklamo at pasagutin ang kanyang sinasakda siya pa umano ang iginisa sa nasabing session. Dagdag pa ni Mr. Lasay naka fous na ang mga ito sa pag dismissed ng kaso. Sakabilang dako ipagpapatuloy parin ng kanilang grupo ang pakikipaglaban ng maayos kaugnay sa naturang kaso. Samantala hiling naman ng mga kasama nito na maging patas sana ang desisyon at wag haluan ng pulitika. Sa ngayon pinaghahandaan na ng grupo ang pagtaas ng kaso sa ombudsman kung saan target nitong kasuhan ang mga bokal na involve sa pag dismiss at ang mismong bise gobernador. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

CENRO INILATAG ANG KANILANG 10 YEARS SOLID WASTE MANAGEMENT PLAN SA SESSION NG SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

Inilatag ng City Environment and National Resources Office sa sangguniang panglungsod ang kanilang 10 years solid waste management plan sa ginanap na regular session ng Sanguniang Panlunsod. Ayon kay Mr. Ronaldo Gerona siyang head ng CENRO wala ng makakapigil sa kanilang plano na ang layunin ay mabawasan ang nakokolektang basura sa syudad kung saan umaabot sa 41.28 metric tones ang nakokolektang basura kada araw. Isa sa paraan na tinukoy ni Gerona ay ang anti plastic ordinance na nag simula ng umarangkada noong hulyo 6 at inaasahan naman na sa enero 17 ay maiimplemeta na ito sa lahat ng tindahan sa syudad. Sakabilang dako plano rin ng ahensya na dagdagan ng dalawa pa ang material recovery program kung saan ilalagay ito sa west district at bacon district. Samantala target naman ng ahensya na maibaba sa 18 metric tone ang makokolektang basura kada araw kapag ma implemeta na ang kanilang mga plano. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

MGA SELDANG SANGKOT SA RIOT SA SPJ PINAHALUGHOG NG PNP

48 na indian arrow, 9 na improvise ice pick, 6 improvise na scaltel, 3 double blade, 2 improvise na itak, 1 charger, 1 water heater, 17 pcs. na jolens na ginagamit na bala sa tirador, ito ang mga narecover ng grupo ng PNP sa kanilang ginawang paghalughog sa Sorsogon Provincial Jail kaugnay sa ngyaring rayot noong nakaraang lunes ng gabi. Kaugnay nito on going na sa ngayon ang imbistigasyon sa SPJ. Ayon kay Ret. Col Ramon Ranara na siyang SPJ warden ang pinag saneb pwersa ng SPPSC na pinangungunahan ni PO3 Lloyd Garbin at Sorsogon City police na pinapangunahan naman ni SPO1 Redentor Himor ang grupong nag inspection sa mga seldang sangkot sa rayot. Bago ang paghalughog pinalabas muna umano ang mga preso sa loob ng mga selda nito para mas maging epektibo ang gagawin ng search team. Samantala kinausap naman ng mga otoridad ang mga preso partikular na ang sputnik gang at bahala na gang na pangunahing involve sa nsabing gulo na maging kalmado at magkaroon ng mahabang pasensya upang hindi na magkaroon ng gulo na maaari nilang ikapahamak. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

ISANG DATING FASHION DESIGNER SA GITNANG SILANGAN SOLID LISTENER NG WOW

Solid listener ng wow smile radio 107.3fm sorsogon ang isang dating fashion designer sa gitnang silangan. Kahapon, personal itong bumisita sa wow smile radio para ma avail ang FREE radio na ipinamamahagi ng wow. Ang nasabing dating fashion designer ay si Juan Jarilla ng New Bato, Bacon District na nagtrabaho sa Jedah, Saudi Arabia sa loob ng 40 years./ Ayon sa kanya nabulag sya noong 2007 dahil sa sakit na glaucoma. Naubos rin ang kanyang ipon sa kakapagamot ng mata at nagpa opera pa ngunit tuluyan rin syang nabulag. Sa pakikipag usap ng news team kay Mr. Jarilla sa ngayon ang kanya umanong libangan ay ang makinig na lamang ng WOW RADIO sa kanyang kapitbahay lalo na ang programang ANG DATING DAAN at BARKADAHAN. Kahapon, si Mr. Jarilla ang maswerteng napagkalooban ng natitirang radyo dito sa himpilan. Samantala, labis ang nagging katuwaan ni Mr. JArilla dahil sa makakapakinig na siya sa programa sa radyo sa lahat ng oras na kanyang naisin. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

17 COUPLES IKINASAL KAHAPON SA SORSOGON CITY HALL

17 couples na hindi nagawang magpakasal dahilan sa hirap ng buhay ang muling nabigyan ng libreng kasal ng administrayon ni Mayor Sally A. Lee. Sa impormasyong nakalap ng Wow News team, buwan buwang ginagawa ni City Mayor Sally A. Lee ang libring kasal at ngayon ngang Agosto ay 17 ang nabiyayaan nito . Sa mensahing ibinigay ni Mayor Lee, binigyang diin nito na ang kasal ay isang sagrado na dapat ingatan at importanteng mapahalagahan ang pamilya. Idinagdag pa ng alkalde na dapat maging inspirasyon ang mga magulang sa kanilang mga anak upang lumaki ang mga ito ng may respeto sa kapwa. Samantala malaki naman ang pasasalamat ng mga ikinasal kay Mayor Lee dahilan sa binigyan sila ng pagkakataon na ikasal ng libre. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

CASH INCENTIVES IPINAGKALOOB NG PAMANA SA MAGALLANES PARA SA ABACA REHABILITATION

Nabigyan ng cash incentives ng PAMANA project ang mga residente ng magallanes para sa abaca rehabilitation. Sa ilalim kasi ng pamana project kasama dito ang rehabilitation kung saan pangunahing katuwang nito ang Provincial Agriculture Office. Layunin nito ay upang mabigyan ng pansin at mas mapaganda pa ang mga produktong gawa sa abaka ng mga mamamayan dito. Sakabilang dako marami pang nakalatag na programa ang Provincial Agriculture Office para sa mga magsasaka sa buong probinsya ng sorsogon. Samantala naging maayos naman ang pagbibigay ng cash incentives sa mga residente ng magallanes at nagpasalamat naman ang mga ito sa tulong na ibinigay sakanila. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

MATNOG COMMUNITY COLLEGE LUSOT NA SA REGULAR SESSION NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

Lumusot na sa sanguniang panlalawigan regular session ang Matnog Community College. Matatandaan na on- going na sa ngayon ang construction ng nasabing eskwelahan para mailapit sa mga matnoganon ang eskwelahang pang koleheyo. Ito kasi ang kauna unahang college school sa matnog sorsogon. Sa nasabing session anim na agenda lang ang napag usapan at isa na nga dito ang community college sa matnog na may ordinace no. 03-2016. Sakabilang dako, ikinatuwa naman ng matnoganon ang paglusot ng nasabing ordinansa sa sanguniang panlalawigan. Samantala, ito na umano ang katuparan ng mga pangarap ng nasabing bayan at mga kalapit lugar dahilan sa matagal na umano nilang gusto na magkaroon ng community college sakanilang lugar ng sa gayon ay hindi na sila lumayo para lang makapag aral sa kolehiyo. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

DOLE MAMAMAHAGI NG PANGKABUHAYAN KIT SA 72 BENEFECIARIES

72 ang nakatakdang pagkalooban ng Department of Labor and Employment (DOLE) – Sorsogon ng pangkabuhayan kit. Ayon kay Ms. Marilyn Luzuriaga ang Field Officer ng DOLE Sorsogon bahagi ito ng kanilang programa para sa 2016 para maalalayan ang mga mahihirap na sorsoganon sa kanilang paghahanapbuhay. Ang pangkabuhayan starter kit ay kinapapalooban ng cooking kit at carpentry kit. Sakabilang dako byernes ng umaga ay magkakaroon muna ng orientation ang mga mabibiyayaan at sa dakong hapon ay nakatakdang ibigay ang mga nasambit na pangkabuhayn kit. Samantala ayon parin kay Ms. Luzuriaga gaganapin ang awarding nito sa mismong opisina ng provincial field office ng DOLE. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon