Wednesday, May 18, 2016
Department of Trade and Industry (DTI) SEMINAR NAG SIMULA NA NGAYONG ARAW
Nag simula na ngayong araw ang isiganawang seminar ng Department of Trade and Industry (DTI) kasama ang iba’t- ibang manufacturers sa Sorsogon Paradise Resort. Tatalakayin sa seminar ang salient features at standards ng mga produktong may kaugnayan sa mandatory certification katulad ng black iron and galvanized iron pipes, ceramic tiles, electrical wires, electrical devices/switches, flatglass at iba pa. Ang nasambit na seminar ay para maipamulat ang mahalagang tungkulin na kanilang ginagampanan laban sa uncertified and substandard construction materials na ibenebenta at ginagamit sa konstraksyon at iba pang mga proyekto.Kasama rin sa seminar ang mga contractors, LGU engineering office, water districts national housing authority at iba pang mga organisasyon.
https://www.facebook.com/WOWsorsogon
MGA OTORIDAD WALA PARING PINAPALABAS NA REPORT SA MOTIBO SA PAGPATAY KAY DELOS ANGELES
Hanggang ngayon ay wala paring pinapalabas na detalye ang mga otoridad na nagsasagawa ng imbistigasyon sa pagpatay ky Christian de los Angeles. Matatandaan na apat na mga menor de edad ang itinuturong suspek sa nasabing pagpatay kung saan Ang nasabing mga suspek ang mismong nagturo sa katawan ni De los Angeles na itinapon sa isang kanal sa Sitio Gabao, San roque Bacon District sa siyudad ng Sorsogon. Samantala, malaking panghihinayang ang nararamdaman sa ngayon ng mga nagmamahal kay Christian lalo na ang Dep Ed na siya nitong pinag tatrabahuan, anya malaki itong kawalan sa kanilang departamento. Sa ngayon humihiyaw parin ng hustisya ang mga kaanak ni Christian.
https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Tuesday, May 17, 2016
CHRISTIAN DELOS ANGELES, NAHANAP NA
14 araw matapos mawala si Christian Delos Angeles. Bangkay na ito ng matagpuan kagabi kung halos hindi na ito makilala ng kanyang mga kapamilya. Mga dakong alas nueve kagabi pinuntahan na ng mga otoridad ang area ng Sitio Gabao, Brgy. San Roque Bacon Sorsogon, matapos kumanta ang menor de edad na suspetsado. Matatandaan na Mayo 2 ng umalis ito sa kanilang bahay sakay ng kanyang honda wave motorcycle, kulay red and white na may plate number na 5384 ET. Kagabi kinumpirma ng mga otoridad na bangkay nga ni Christian ang natagpuan kaya naman personal itong pinuntahan ng news team at duon na nga tumambad ang bangkay ng isang lalaking halos sunog na dahilan sa nabilad na ito sa araw ng ilang araw at nasa state of advance discomposition na.Sinasabing sinundo ng biktima ang dalawang menor de edad sa may macabog at duon pumunta sa bacon area. Tinatayang nasa 16 to 17 anyos ang dalawang suspetsado na sa ngayon ay patuloy na iniimbistigahan. Samantala, wala ng laman ang bag ng biktima at chop chop na ang motorsiklo na ginawa pang service ng mga suspetsado na siyang naging dahilan sa pagkakahuli sa mga ito.
https://www.facebook.com/WOWsorsogon
PAGKAMATAY NI CHRISTIAN DELOS ANGELES HINDI PARIN MATANGAP NG KANYANG MGA KAPAMILYA
Hindi parin makausap hanggang sa ngayon ang mga magulang ni Christian Delos Angles ang Prinsipal sa Ticol Elementary School.
Sa pagbisita ng wow patroller sa pamilya Delos Angeles sinabi nito na hindi pa sila pwede magbigay ng pahayag dahilan sa hindi pa nila matangap ang sinapit ng kanilang anak. Anya isang mabuting tao ang kanilang anak na pangunahing tumutulong sa kanilang pang araw araw na buhay.
Pinatotoohan naman ito ng kanilang kapitbahay na si Siony Andes na Halos hindi makapaniwala sa ng kanilang kapit bahay, anya napakabait nito at walang kaaway ni Mr. Delos Angeles.
Samantala, bumuhos narin ang pakikiramay ng mga tao sa karumal dumal na sinapit ng biktima, maging sa online ay marami narin ang naki dalamhati sa pagmatay ni Christian Delos Angeles.
https://www.facebook.com/WOWsorsogon
BRIGADA ESKWELA 2016 SA SORSOGON PREPARADO NA
Preparado na ang Department of Education Dep Ed Province division at Dep ED City Division sa pagpapasimula ng brigada eskwela 2016. Kanina sa programa ng Dep.Ed Province nakakasa na ito sa Mayo 30 hanggang Hunyo 4 kung saan hindi lang ito sa Sorsogon isasagawa kundi maging sa buong pilipinas. Matatandaan na ang brigada eskwela ay isa sa mga aktibidad na ginagawa ng Dep.Ed upang magkaroon ng pagtutulong tulong sa pag aayos ng mga paaralan at mga gamit na kailangan ng mga estudyante. Kaya naman pinapaabot ng nasabing departamento sa lahat ng mga private agencies, mga organisasyon, estudyante, government agencies at iba pa na makiisa sa gaganaping brigada eskwela upang mabigyan ang mga mag- aaral ng komportableng paaralan. Panawagan pa ng Dep.Ed sorsogon na ang pakikilahok sa brigada eskwela ay hindi requirement upang makapag enroll ang estudyante, Voluntary ang paglahok sa nabanggit na aktibidad. Kaugnay nito maaaring ipaabot sa opisina ng Dep.Ed ang sino mang guro na magsasabing required sumali sa brigada eskwela upang maenroll ang bata ito ay para mabigyan ng kaukulang aksyon ng Dep.Ed. Maaari namang magbigay ng mga learners gift katulad ng bag, notebook, crayola at iba pang school supplies na magagamit ng mga estudyante. Samantala, sinisikap ngayon ng Dep.Ed Sorsogon na mapanatili sa ikatlong pagkakataon ang kanilang record na may pinaka magandang programa sa brigade eskwela sa buong Pilipinas.
https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Monday, May 16, 2016
PADARAW FESTIVAL SA BULAN SORSOGON KASADO NA
Preparado na ang mga bulanenyo para sa nalalapit na padaraw festival na gaganapin sa Mayo 30 2016 sa bulan sorsogon. Matatandaan na ito ang highlights tuwing kapistahan sa bayan ng bulan. Ang padaraw festival ay nagpapakita ng iba't- ibang pinagkakakitaan ng mga bulanenyo mapa dagat man o sakanilang sakahan. Tampok sa padaraw festival ang mga kabataan ng iba't- ibang barangay na nagpaparada sa sentro ng bulan suot ang mga makukulay na kasuotan gamit ang mga recycled materials na napapalamutian ng iba't- ibang produkto ng bulan.
Samantala hindi naman apektado ang selebrasyon ng kapistahan sa kabila ng pagkatalo ng kapatid ng incumbent mayor na si Mayor Marnellie Ballesteros Robles na si Marivic Guray Ballesteros. Kaugnay nito puspusan na ang pag eensayo ng nasabing mga kalahok. Sa darating na mayo 29, 30, at 31 ang pagdiriwang ng kapistahan.
https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Department of Education sa Sorsogon may panawagan na mag enroll na sa senior-hi
On going na sa ngayon ang enrollment para sa senior high school dito sa lungsod ng Sorsogon. Sa programang Barkadahan kaninang umaga nanawagan ang Div Info Officer ng Dep ED sorsogon na si Mr. Arman Dematera Engay na agahan ang pagpapa enroll para malaman kaagad nila kung ano ang mga kurso na kanilang gustong kunin. Ang turn out ng enrollees para sa senior high school kasi ang kanilang magiging basehan para sa kanilang assessment para sa pag hire ng mga magtuturo sa senior high school. Anya sa ngayon ay halos nag average lang sa tatlo hanggang lima ang nag eenroll sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. Samantala lahat naman ng mag eenroll sa private school ay covered ng voucher program.
Visit our Facebook page https://www.facebook.com/wowsmileradio.sorsogon
Tricycle at Bus nagsalpukan sa Pangpang Sorsogon
Nasa kustudiya na sa ngayon ng mga otoridad ang driver ng isang bus na bumangga sa isang tricycle sa lungsod ng sorsogon. Matatandaan na noong sabado habang binabaybay ng bus ang maharlika highway ng subukan nitong mag overtake sa isang sasakyan at doon nasapol nito ang naturang tricycle na nag resulta sa pagkakabaklas ng bubungan ng nasabing sasakyan. Kinilala ang driver ng bus na si Balfredo Berrano na may plate number TOC 682 Balfredo Berrano Jr. Samantala ang driver naman ng tricycle ay si Nestor Navales ng Tugos Sorsogon City. Kaugnay nito wala namang naitalang nadamay sa nasabing aksidente.
https://www.facebook.com/WOWsorsogon
PAMAMARIL NAITALA NA NAMAN SA SORSOGON
Blanko parin hanggang sa ngayon ang mga otoridad sa sinapit ni Alberto Rosable y Labe na biktima ng pamamaril. Sa inisyal na impormasyon na nakalap ng wow patroler galing umano ng bibincahan si rosable patungo ng San Juan Roro,pagsapit nito sa san juan bigla nalang itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilang mga suspek. Tinamaan sa tiyan ang biktima na kaagad namang dinala sa sordoc hospital. Matatandaan na ang nasambit na biktima ang siyang ni raid noon ng mga utoridad at nakuhanan ng kalibre 45 baril. Sa ngayon ay under investigation parin ang nasabing pamamaril.
https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Saturday, May 7, 2016
BALITANG ELEKSYON HOTSPOT ANG SORSOGON PINABULAANAN NG COMELEC AT PNP SORSOGON
Pinabulaanan ng Sorsogon Comelec at Sorsogon Philippine National Police (PNP) ang napapaulat na ang lalawigan ng Sorsogon ay nasa “election hotspot./ lumabas kasi sa social media na di umanoy hot spot na ang sorsogon dahilan sa napabalitang nasapak ang isang kandidatong Gobernador./ kaugnay nito nanindigan ang Comelec Sorsogon na nanatiling manageable and peaceful ang Sorsogon lalo na kung ikukumpara sa lalawigan ng Masbate./ Idinagdag naman ng isang COMELEC insider na ang napaulat na harassment ay isolated case”, lamang at ang poll body ay handa namang mag provide ng security para sa mga kandidato lalo na sa mga delikadong lugar../ Samantala, sa ngayon patuloy paring inaalam ng mga otoridad kung sino ang may kagagawan ng di umanoy sinasabing pananapak.//
https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Subscribe to:
Posts (Atom)