WOW

Sunday, November 16, 2014

ISANG SUNDALO PATAY SA AMBUSH SA BARCELONA

Halos tumulo ang luha ni Brgy. Chairman Juan Enteria ng San Antonio, Barcelona, Sorsogon ng makapanayam ng Wow Radio News team kaugnay ng pagkapaslang kay Corporal Zaldy Bengua. /

Ayon kay kapitan enteria, nakakalungkot na sa kanyang barangay pa ito nangyari. Dinagdag pa nito na kapwa pilipino lang naman tayo at halos pagsisilbi sa mga pilipino daw ang ginagawa ng magkabilang panig. /Bakit pa aniya may mamatay para lang sabihing nagsisilbi sila sa taumbayan. / 

Agad na Tumulak ang WOW Smile Radio News team papuntang Barcelona makaraang makatanggap ng balita galing sa isang member ng Barkadahan na may inambush nga sa San Antonio. /

Halos ilang oras din ang aming hinintay makaraang magsagawa ng pagpupulong ang composite team ng PNP at ng Phil Army sa tactical move na gagawin papasok sa lugar kung saan tinambangan si Corporal Bengua. / Ang Brgy. San Antonio ay isang remote barangay ng bayan ng Barcelona kung saan sinagupa ng news team ang rough road bago makarating sa lugar./ 

Samantala, sinabi ng CO ng army sa lugar na halos mag iisang buwan pa lamang ang kanyang tropa sa san antonio na kasalukuyang nagsasagawa ng Bayanihan program sa naturang barangay. /

Ikinagulat ng CO ang insedenteng ito kung saan bakas sa kanyang mukha ang panghihinayang sa buhay ng kanyang tauhan./ Sinabi nito sa Wow Radio News team na nagpaalam ang dalawang sundalo na bumaba ng bayan ng may mahigit apat na kilometro ang layo upang magpadala ng pera sa may bahay nito sa pamamagitan ng smart padala. /

Ayon pa sa kanya kaka bonus pa lang kasi nila kung kaya nais nitong ipadala agad sa pamilya ang nasabing pera.//

Thursday, November 13, 2014

MGA LATAY SA KATAWAN NG DALAGITANG NATAGPUANG NAKATALI SA LIKOD NG SIMBAHAN NG BARCELONA PINASINUNGALIN NG COP

Kinumpirma ngayon ng Chief Of Police ng Barcelona MPS na si  P/Insp Jose Arnel Gloriane Geronga na hanggang sa ngayon ay hindi parinmakausap ng maayos ang Daligita na natagpuang nakatali ang mga paa sa may likurang bahagi ng simbahan./ 

Subalit pinasinungalinan ni Geronga na may nakasulat sa katawan ng pananakot, ang natagpuan umano sa lugar ay ang sulat na may pagbabanta sa biktima./ Dinagdag pa ni Geronga na hanggang sa ngayon nahihirapan parin sila sa imbistigasyon dahilan sa hindi nakikipag cooperate ang nasabing dalagita./ 

Ayon pa kay COP hindi parin nila ma kumpirma kung talagang may abduction na ngyari./ Isa ring angulo na  tinitignan ay ang initiation sa fraternity./  Matatandaan na una ng lumabas ang balita na ang biktima ay nakita umano sa likurang parte ng  chapel sa barangay Luneta na nakahiga habang may nakataling masking tape sa kanyang mga paa./ 

Samantala, nasa provincial crime laboratory na ang mga ebidensya para sa imbistigasyon./ Hanggang sa ngayon hindi parin nagpapalabas ang Barcelona MPS sa ngyaring final meeting kahapon ng alas dyes y medya ng umaga sa bahay ng biktima sa pangunguna ng DSWD at Barcelona MPS officers./ /

BENEFIARIES NG CAPABILITY AND SKILLS TRAINING, LUBOS ANG KASIYAHAN AT PASASALAMAT SA LGU SORSOGON CITY

Umabot sa 160 na beneficiaries ang nakapagtapos ng capability and skills training na ginanap sa lobby ng city hall noong isang araw./ 

Sa naging graduation ceremony nagging madamdamin ang testemonya at inspirational message na ibinigay ng isang nakapagtapos kung saan labis ang kanyang nagging kasiyahan dahilan sa bukod sa nakapag aral siya ng libri may kasama pang starting kit para naman sa sa kanilang pangkabuhayan/ 

Pinangunahan naman ng City government of sorsogon sa pamamagitannaman ng cswdo na pinamumunuan ni Mr. Josie Jadie,/ katuwang sa nasabing librng pag aaral ang tesda, dswd, at si Mr. Ddgar Balasta na siyang school administrator ng ccdi / 

Nakiisa rin sa naturang okasyon si city vice mayor charo dichoso-logronio para magbigay ng mensahe sa mga nagtapos/ sinabi ni vm charo na wag sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa kanila ng city government/ 

Dagdag pa nya na wag mawalan ng pag asa at mawala ang enthusiasm para makakuha ng trabaho/ Samantala, hindi tumitigil ang local na pamahalaan sa pagpupursiging matulungan ang mga taga lungsod na naghihikahos sa buhay.//

WALA NG ATRASAN ANG PAGPAPATALSIK SA MGA INFORMAL SETTLERS SA ZONE 7 – B GONZALES

Wala ng atrasan pa! ito ang mariing binitiwan ni Bulan Former Vice Mayor Toby Gonzales sa programang barkadahan kahapon./ kaugnay ito sa 33 pamilya na pinapatalsik sa kanyang lupang pag aari sa brgy. Zone 7 B./ 

Ayon pa sa kanya matagal nila itong idinulog sa husgado kaya naman ngayong pinaboran na sila ng korte wala ng pwedeng makapigil pa./ Bagamat pursigido si Gonzales na hindi na nila ito iuurobg sinabi naman niya na hanada naman uano siyang magbigay ng palugit at tutulong din naman sa paghahanap ng reclocation site./ 

Ayon pa kay Gonzales na kung tutuusin ang lokalna pamahalaan naman talaga ang dapat na maghanap ng relocation site ayon sa Article 7  ng Rep. Act 7279./  dinagdag pa ni Gonzales na sa ngayon hindi na sya ang makakapg desisyon tungkol sa naturang lupain dahilan sa hindi na umano siya ang nagmamay ari ng lupa dahilan sa na itransfer na niya ang titulo nito sa kanyang walong anak./ 

Sa kabilang dako, sinabi ni Gonzales na sa kanyang edad na 81 wala na umano siyang balak tumakbo pa sa politika./ 

Samntala, siniguro ni Gonzales na walang kinalaman ang kanyang pagkatalo sa pagka brgy captain ng naturang lugar kung bakit nya pinupursigi ang pagpapa alis dahilan sa yr 2013 pa umano sya tumakbo sa samantalang ang usaping ito ay matagal nya itong isinampa sa husgado.// 

MGA DRIVER NA MAHILIG SA OVERLOADING MAAARING MAKANSELA ANG LISENSYA

Maaring makansela ang mga drivers licens ng sinumang mapapatunayang may mga driver na paulit-ulit ng nagsasakay ng tinatawag na overload./ 

Ito ang nagging babala ni Traffic Regulation Officer II na siya ring incharge ng LTO Sorsogon na si Delfin Peñaflor./ Pinalabas ni Peñaflor ang naturang pahayag kaugnay ng pagkaka disgrasya ng isang Jeepny sa Bulusan na nagresulta sa pagkakamatay ng isang estudyante./ 

Ayon sa ahensya ang pagsasakay ng higit sa kakayahan ng sasakyan o overloading , mapa jeepney man ito o tricycle ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas base sa REPUBLIC ACT NO. 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.”/ 

Matatandaan na ito ang itinuturong rason sa pagkaka aksidente ng isang jeepny na nag resulta pa sa kamatayan ng isang nag ngangalang john paul./ Dinagdag pa ni Peñaflor na sa mga liblib na lugar ay nagiging kaugalian na nila ito./ 

Ayon pa sa kanya nasa control ng driver at konduktor kung magsasakay sila ng sobra./ Samantala, malaking pananagutan umano ito ng driver at operator kung mapapatunayang nag overloading nga ang naturang sasakyan at may malaking pananagutan ito s batas.// 

DRIVER AT OPERATOR NG JEEPNY NA NAAKSIDENTE SA BULUSAN MAARING MAGKAROON NG PATUNG PATONG NA KASO

Maaring magkaroon ng Patong patong na kaso ang kaharapin ng operator at driver ng Jeepney na ginamit na service ng mga estudyante ng Buhang Bululasan National High School./ 

Matatandaan na isa ang agad na binawian ng buhay sa ngyaring aksidente ang binatilyong si John Paul./ 

Ayon sa Chief Of Police ng Bulusan MPS na si Nenita Asuncion patuloy nilang iniimbistigahan ang naturang aksidente kng talagang overload nga ang naturang sasakyan./ 

Ayon kase sa salasay ni LLyoyd isang grade 9 student na sa ngayon ay nagpapagaling pa sa Sorsogon Provincial Hospital, punompuno umano ang naturang jeeny at nawalan umano ng preno ng dumaan ito sa may pakurbadang parte ng naturang bayan na nagresulta sa kanilang pagkaka aksidente./ 

Samantala, nasa kustudiya na ng Bulusn MPS ang naturang driver para sa tamang disposisyon.//

Monday, November 10, 2014

ISANG LOLO PATAY MATAPOS MAMROBLEMA SA KANILANG LILIPATANG BAHAY SA BAYAN NG BULAN.

Isang araw bago ang demolisyon ng mga kabahayan sa bayan ng bulan, isang lolo ang binawian ng buhay dahilan sa problemado ito sa kanilang bahay na lilipatan./ 

Kinilala ang namatay na si Rofu Golondrina 69yo at isa rin sa nakatira sa lupang binabawi na ng pamilya Gonzales na nagmamay-ari ng lupaing kinatitirikan ng kanilang bahay./ Ayon sa apo nito na si Jose Estremera, mula ng mabalitaan nila na kinampihan ng korte ang nagmamay ari ng lupain na si dating bulan Vice Mayor Toby Gonzales, palagi na itong nag iisip at problemado at halos hindi na makakain, kahapon nga binawian na ito ng kanyang hiram na buhay na tanging sa ilalim lamang ng isang tent sa tabing kalsada ito nakaburol./ 

Sa kanbilng dako, labis parin ang lungkot ng halos 33 pamilya na apektado ng demolisyon na pasisimulan bukas dahilan sa hanggang sa ngayon wala parin silang malilipatan./ Samantala, hanggang sa sinusulat ang balitang ito, wala paring tulong na ipinaabot ang local na pamahalaan ng bulan sa pamumuno ni Mayor Marneli Balleteros Robles sa mga pamilyang biktima.//

Friday, November 7, 2014

MAHIGIT TATLUMPONG KABAHAAN SA BULAN IDE-DEMOLISH NA

Mawawalan na ng matitirahan ang mahigit sa 30 pamilya na mga nakatira sa barangay Zone 7-B sa bayan ng bulan matapos payagan ng korte ang tunay na may ari nito na si dating bulan Vice Mayor Toby Gonzales na bawiin ang kanilang lupa./ 

Ayon sa report na nakuha ng wow smile radio news desk, nagsampa ng reklamo si Gonzales sa husgado para paalisin ang mga informal settlers sa naturang lugar dahilan sa kailangan na umano ng kanyang pamilya ang nabanggit na lote./ 

Kaugnay nito nagngingitngit sa ngayon ang mga apektadong pamilya dahilan sa bukas na petsa onse ng nobyembre ang nakatakdang araw para sa isasagawang demolisyon./ 

Daing ng apektadong pamilya na sana mabigyan sila ng maayos na relocation site bago sila paalisain./ sa kabilang dako aminado si Atty. Richard Manila, Monitoring and Adjudication Head kan Housing and Land Use Regalatory Board - Bicol na hindi umano mapipilit ng mga informal settlers si Gonzales sa kanilang kagustuhan ma nabigyan sila ng relokasyon dahilan sa mas pinaboran ng korte ang may ari nito./ 

Samantala, ayon sa nakapalaman sa Article 7 ng Rep. Act 7279. Ang local na pamahalaan sa pamamagitan ng administrayon ni Mayor MBR ay dapat na maghanap ng relocation site ng mga ito.//

Thursday, November 6, 2014

BANGKAY NA NATAGPUAN SA CABID-AN NAKILALA NA

Nakilala narin ng pamilya ang lalaking napatay sa brgy cabid-an kaninang madaling araw./ 

Sa report na nakuha ng wow smile radio news team mga dakong alas 10am kaninang umaga ng dumating ang nanay ng biktima at positibo nga niya itong kinilala na si Joemar Ibio Benasa  dating nakatira sa Brgy. Pangpang dito sa lungsod at ngayon nga ay nakatira na ito sa brgy. Agkusara sa bayan ng Juban kasama ang live in partner nito./ 

Ayon sa nanay may edad si Joemar na 21yo./ /

para sa mga dagdag impormasyon tututok sa 92.7fm

ISANG BANGKAY, NATAGPUAN SA MAY BRGY. CABID-AN NA MAY TAMA NG BALA

Halos maligo sa sariling dugo ang bangkay ng Isang bangkay na natagpuan sa may baranggay cabid-an kaninang mga dakong alas 3 y medya ng umaga./ Sa tulong ng barkadahan member kaagad itong ipinaabot sa sa wow smile radio news desk./ 

Kaugnay nito mga alas kwatro ng madaling araw agad itong ipinutok sa wow smile radio at exclusibong nasaksihan at nakuhanan ng footage at mga picture ng mga wow patrollers./ Ayon sa inisyal na salaysay ng soco may tama ng bala sa may kanang sentido ang nasabing biktima, may naka tattoo sa may kaliwang kamay ng pangalang jayson, at tinatayang nasa pagitan ng 20 to 30yo, mapayat at mga 5”2 ang height./ 

Ayon pa sa mga otoridad nakalilis ang mga bulsa ng suot nitong short na kulay blu at pula ng kanilang maabutan at nakuha pa sa bulsa nito ang sigarilyo, posposo, lighter at wallet./ ilan pa sa mapagkakakilanlan sa nasabing bangkay ay nakasuot ito ng sombrerong may tatak na no fear at may suot pa itong singsing./ 

Samantala, hanggang sa ngayon ay blanko parin ang mga otoridad sa identity ng nasbing bangkay, maging ang kapitan at mga taga cabid-an ay hindi rin ito kilala./ 

Samantala, patuloy parin ang imbistigasyon ng mga otoridad particular na ang SOCO at inaalam pa kung may kinalaman ito sa ilang pagpatay na nairerehistro ditto sa lungsod./ sinabi naman ng ilang residente na mga dakong alas dos ng madaling araw nakarinig sila ng putok sa naturang lugar.//